Saturday, February 12, 2011

02/13/2011 Sunday 01:22 AM



Ngayong araw wala akong magawa, walang makausap, walang makwentuhan. Kaya naman sa tingin ko ito ang tamang panahon para simulan ko na ulit mag blog at ikwento ang bawat pangyayari sa aking pang araw araw na buhay.

Kanina, este kahapon na pala. Wala kaming mapuntahan ni Hazel after ng Career orientation namin sa school. Halos lahat kasi may kanya kanyang lakad, may kanya kanyang gala at parang kami lang atang dalawa ang wala. Kaya pumunta na lang kami dito sa bahay para kumain at mag saya, pero wala kaming masiyadong nagawa nanuod lang kami ng TV at nag computer kaya naman naisipan na lang naming pumunta sa ministop para bumili ng "TSOKOLATE A" (Hot Choco na may marshmallow).
Makalipas ang ilang minuto (sa ministop) nakita ko si Louis sa labas. Kinawayan ko siya kagad tapos pumasok siya kasama si Joseph. Tumambay muna kami at nagkwentuhan dun. Naglakad lang kami pauwi, tapos habang naglalakad kami may nakita kaming karerahan ng mga Tamiya sa tapat ng Serenity. Grabe astig haha! nakakatuwa ang daming taong nanonood pustahan ata yun e? basta ganun sobrang nakakamangha kasi ang bibilis ng mga Tamiya nila parang nagteteleport lang, e nung bata ako hindi naman ganun kabilis yung Tamiya ko e >_< .
Pagkatapos nun pumunta kami ng Rainbow, pinuntahan namin yung lugar na gustong puntahan ni Ajie kasama yung magiging boyfriend niya sa future :)). pero hindi namin natunton yung lugar na yun kasi may mga gangster na malapit dun kaya nagpunta na lang kami sa may playground. Haha! nakakatuwa naglaro kami ng luksong baka pero si Hazel lang yug naging taya tapos umalis lang kami kagad. nung paalis na kami nadaanan namin yung bahay nila Christian. Napatitig ako dun sa batang babae na papunta sa bahay nila, parang nakita ko na kasi siya pero kahapon ko lang talaga ata siya unang nakita, haha ang gulo. pero basta pamilyar yung ichura niya. Nginitian niya ko tapos napangiti din ako sakanya at nagkawayan kami. Parang kapatid kasi ata ni Christian yun, pero hindi ko lang talaga sigurado kung yun yon. Grabe natatawa ako sa ginawa kong yun, nakakahiya. Pano kung hindi talaga yun yung kapatid niya? Pambihira, muka lang akong ewan nun pag ganun. :))
Pinagpatuloy na namin yung aming paglalakad pauwi, nakaalis na kami ng Rainbow tapos nagpunta naman kami dun sa bahay nila Jemimah. e kaso wala siya nagpunta daw sila sa kasal sayang. kaya umuwi na lang talaga kami.

At yun sa wakas! Pag dating ko sa bahay kumain lang ako ng ice cream at natulog sa sobrang pagod. :)

THE END
2:49 AM

No comments:

Post a Comment

 
Share |