Wednesday, February 16, 2011

02/16/2011 Wednesday 9:54PM

Kanina, nagpunta kami sa trinoma ng mga friends ko (Si kim na sexy, si Christian na may sakit, si Kaloy na punit ang pants, si Marielle na hot, at Alyssa na inosente) para pumila sa libreng ticket ng The Maine, Never Shout Never, at ng We the Kings. Grabe sobrang aga namin dun. Hinintay naming magbukas yung trinoma at habang nagpapalipas oras iniinterview namin ni Kim si Christian kung ano anong walang kwentang tanong tinatanong namin sa kanya na sobrang nakakatawa talaga! :)). Makalipas ang ilang oras nagbukas na ang trinoma at nabigo kaming makakuha ng ticket. :| sobrang dami kasing taong pumila e. nakakaasar! sayang effort pag punta dun. Kaya nag Timezone na lang kami ng panandalian. :)

Nauna kaming umuwi nila Christian at Alyssa. Si Alyssa may sariling lakad tapos si Christian naman sinamahan akong pumunta kila Cali. Tapos ayun akala ko nung una medyo sinisinat lang si Christian, pero pag dating namin sa bahay nila Cali sobrang init niya na talaga! Kaya sobrang naawa naman ako, kasi pinasama ko pa siya samin. Kumain muna kami tas uminom siya ng gamot at natulog muna ng konti. At siyempre inalagaan ko muna siya ng panandalian :).

Nag-aya sila Ajie na pumunta sa Emo tree dun sa may citation, pero medyo nag aalinlangan ako kasi nga may sakit si Christian kaya ayun tinanong ko siya kung gusto niyang umuwi na lang para makapagpahinga na siya ng maayos, pero ayaw niya kaya pa naman daw niya. kaya ayun sumama siya samin, tapos kumain kami ng ice cream para gumaling siya agad :).

Nung nandun na kami sa citation grabe ang saya para kaming mga bata, nagbaril barilan pa kaming dalawa dun ni Ajie pero wala talaga kaming baril kamay lang haha! :)) tapos ayun habulan, kwentuhan, tawanan, pahinga, tambay. basta masaya! pagkatapos naming manatili sa emo tree nagpunta na kami ng citation. Kain muna tapos tambay sa tapat ng simbahan at di nagtagal nag ayaan na ring umuwi.

Nung pauwi na kami... tae si Aaron! ayaw pang umuwi punta muna daw kami kila Cali kasi sayang naman daw yung paglalakad niya mula sa kanila. Kaya ayun game naman kaming lahat nagstay muna kami ulit sa bahay nila Cali nanood ng DVD na hindi naman namin na tapos. pero ang nakakatawa talaga sa pinanood namin ganto... Nung una kung ano anong DVD ang sinalang namin, grabe! wala kaming mapili kahit isa. Tapos ayun yung "Case 39" dapat yung papanoorin namin kaso mali yung nasalang kong CD "The box" pala yung nasalang ko kaya ayun hinayaan na lang namin. Tiningnan namin yung simula nung movie tapos kung ano anong hula ang ginawa namin sa kung ano ang laman nung BOX. E kaso naboring kami kaka hula, maya maya nakita na ni Cali yung CD ng "Case 39" kaya pinalitan na ni Aaron yung nakasalang na CD. Tapos maya maya lang sa kalagit-naan ng panonood namin bigalang sinabi ni Aaron "Ano kaya yung laman ng Box?" Tapos lahat kami tawanan! grabe sabi namin sakanya Case 39 na yang pinapanood namin haha! tapos natawa rin siya sa sarili niya e kala niya raw The Box pa rin yung pinapanood namin hahaha! wala lang nakakatuwa lang.

Habang nanonood kami ng nakaka-pangtinding damdamin, si Christian naman easy lang, natutulog lang sa balikat ko. Nakakaawa tuloy. Pero grabe! kami kasi tense na tense na sa panonood siya pahinga pa rin. Pero ayos lang sana gumaling na siya kaagad para makapasok siya bukas sa school. :)

THE END

No comments:

Post a Comment

 
Share |