Tuesday, February 15, 2011

02/15/11 TUESDAY 11:23PM

Kanina absent ako sa school, pano ba naman kasi akala ko gagawa na ko ng portfolio para sa gusto kong pasukang school pero joke lang pala yun haha! sa March na lang pala. tapos ayun, wala akong ginawa dito sa bahay buong araw. Sobrang nakakatamad talaga grabe!

Buti na lang pag dating ng hapon pumunta dito sa bahay si Kim, binisita ako. Tapos tinanong niya ko kung sasama daw ba ako bukas sa Trinoma para kumuha ng ticket sa concert ng The Maine, Never Shout Never, At ng We The Kings. haha! at siyempre ako, oo naman! hindi naman ako tumatanggi sa mga ganung bagay e. tapos ayun grabe sobrang na e-excite talaga kaming dalawa haha! :">
After ng ilang oras siguro nagulat ako bigla akong tinawag ng kasambahay namin, may naghahanap daw sakin. Tapos ayun pagtigin ko sa labas nakita ko si Christian, kukunin niya raw yung bola nila ng volleyball :). Tapos nagpunta kami sa bahay nila Kaloy at pinag usapan yung tungkol sa concert edi mas lalo kaming naexcite! :)) niyaya ko si Christian na sumama samin tapos sabi niya baka hindi raw siya makasama kasi ganto, kasi ganyan, tyaka hindi raw siya mahilig sa ganun. Pero kanina nakausap ko siya sa YM, tinanong ko siya kung sasama siya. Tapos sabi niya... "papayagan niyo pa ba akong sumama?" tas sabi ko... "Oo naman! tae ka ba? haha" E ang kaso, sabi niya sakin masama daw pakiramdam niya. Sana ok na siya bukas, para masaya. :)

Ay tapos pala! bago mangyari yung pangyayaring yan nagpunta kami ni Kim sa Sinag nag-baka sakaling masalubong namin sila Ajie na bumaba ng jeep. Pero hindi nangyari yun, pero ok lang kasi eto ang masaya. Edi nasa Sinag nga kami, nakita namin si Raizel at Kit na bumaba ng tricycle. Umalis lang kagad si Raizel, tapos si Kit nag stay muna kasama kami habang naghahantay ng jeep. Tapos bigla siyang naglabas ng pera haha! tapos sabi niya galing kay Herson yun. E si Kim pa naman pag galing kay Herson lahat minamayari haha! nakakatuwa :"> :)) tapos ayun kinuha niya yung 40 pesos, edi tiba tiba kami tig 20 pesos kami haha! :)) wala lang ang saya RAKERS kasi masiyado si Kim e! haha! =)) At ayun lang ang pangyayari ngayong araw. :)

THE END
12:03AM

No comments:

Post a Comment

 
Share |