Friday, February 18, 2011

02/18/2011 FRIDAY

Ito yung isa sa mga araw na hinding hindi ko makakalimutan. Nonood kami ng mall tour ng Never Shout Never, The Maine, at ng We the Kings! grabe sobrang saya ko! di ko ma-explain kung gano! :))

So here's the story...

6:00PM

Medyo madami na yung tao pag dating namin sa Greenbelt so nakipag siksikan kami dun at naghanap kami ng magandang spot para mapanood namin yung show ng mas malapit. Tapos ayun dun kami pumuwesto sa left side ng stage pero hindi pa kami nakunteto dun ni Kim, so we've decided na humanap pa ng mas maganda pang lugar. Bali inawan dun yung mga kasama naming lalaki dun para if in case wala kaming nakita ok lang.

Tapos habang naglalakad kami nakita ko yung Never Shout Never, The Maine, at ng We the Kings dun sa isang place kung saan sila nag sstay. E sakto nandun kami banda sa backstage and luckily konti lang yung mga tao dun at naisip ko na dun sila dadaan kapag nagstart na yung show kaya naghintay lang kami dun, nagbaka sakaling tama ang naisip ko kaya niready ko na yung cam... Hanggang sa yun na nga!!!! Gosh! dun nga talaga sila dadaan! face to face namin silang nakita ni Kim grabe! sobrang lapit talaga namin sa kanila nung panahong yun yung tipong kayang kaya ko lang silang abutin kaso may mga guard na nakapalibot sa kanila. PERO! fail akong makunan sila ng picture kasi naka automatic pala yung cam so nahihirapan siyang mag focus magisa kaya yun sayang di ko nakunan. Pero ok lang! importante nakita ko si CRIS! sobrang gwapo niya talaga! sobrang crush ko siya. :">

6:30PM

Bumalik na kami dun sa mga guy friends namin tapos kinuwento yung mga nangyari at sobrang saya talaga nung feeling na yun! sobrang di ko makakalimutan haha! maya maya lang nagstart na yung show edi yun tilian lahat ng tao! Naunang kumanta yung NSN bali 5 songs lang kinanta niya at sobrang naenjoy ko talaga kahit bitin, sunod yung The Maine na ok lang, at yung huli yung WTK na naenjoy ko rin ng sobra! :))

9:00PM

Tapos na yung show, sobrang napagod at nagutom talaga kami nun kaya kumain muna kami ng mabilis sa Mcdo and after nun nagmadali na kaming pumunta sa MRT kasi hanggang 10:00PM lang yun.

09:55PM

Ayun! sakto kami sa MRT daming tao siksikan. yung unang train na naabutan namin sobrang daming tao kaya hindi na kami sumakay, tapos yung pangalawa marami pa rin grabe! pero no choice kami e 10 something na nun, at baka wala ng iba pang train na dumaan. Kaya dun na kami sumakay, pag sakay namin dun grabe sobrang tulakan to the max then may babae akong natulak tapos pagalit na sabi sakin"Miss dahan dahan lang, makatulak naman!" gusto ko sanang sabihing "e anong magagawa ko? tinutulak din ako nung mga pumapasok e." haha! grabe, basta yun si Albert di na nagkasya kaya nagpaiwan na lang siya at sinabing bahala na text text na lang. haha! habang nasa train kami may sumakay na bading hindi ko lang alam kung saang station yun, e natuwa ako inisip ko na parang ang saya magka-asawa na bading. Tapos sinabi ko kila kim yun grabe tawa kami ng tawa haha! tapos sabi sakin ni Kim wag daw babalatan niya raw ako pag nangyar yun tapos sabi naman ni Herson mas malandi at mas mahinhin pa raw sakin yun kaya walang gagawa ng mga gawaing panglalaki samin haha! :)) Pero seryoso naman kasi parang ang sarap talaga may taga-ayos ako ng buhok, taga make up, taga pili ng damit, basta yung may mag me-maintain ng beauty ko pag tanda ko haha!

10: 45PM-estimated

Nakarating na kami ng trinoma at nakipagkita sa ate ni Herson sa Starbucks. Grabe ang cool ng mall kapag magsasarado na. Ang aliwalas ng paligid kasi wala na halos tao at madilim haha! nakipagkita na rin ulit samin si Albert tapos kinuwento niya yung nangyari sa kanya. Na hindi nga raw siya pinapapasok nung guard kaya ginawa niya sinabi niya raw sa guard na kanina pa raw siya hinihintay ng girlfriend niya sa starbucks sa taas. HAHA! sobrang natawa talaga kami ng sagad. At yun sabi rin ni Albert na sumabay na lang daw kami sa daddy niya, hihintayin daw kami sa SMF. edi yun ok.

11:15PM
Umalis na kami ng trinoma at sumakay ng FX papuntang Fairview, grabe yung nasakyan naming FX ang cool ng loob pang ambulasya yung set up ng mga upuan kaya nakakamangha. :O :)

11:55PM
Pagdating namin ng SMF wala pa yung papa ni Albert, grabe sobrang naghintay talaga kami ng matagal na matagal. tapos itong si Herson humiga dun sa may tawiran ng tao, wala naman kasing mga sasakyang dumadaan dun. Tapos bigla siyang nahuli, lumapit yung guard samin at sinabing "Anong eksena niya diyan ah? Anong ine-ekseeksena mo diyan? sarado na ang mall ah bat nandito pa kayo?" tapos sabi ni Albert "hinihintay po namin yung tatay ko" basta parang ganun haha! grabe pigil pigil ako nung tumawa. :)) tapos ayun nung panahong yung kabadong kabado na si Kaloy kasi pinagagalitan na siya ng mama niya at tumawag na nga sakanya. Pero grabe nakakatuwa lang kasi wala pa rin yung papa ni albert haha! halos 30mins sigiro kaming naghantay bago damating yung papa niya.

12:30AM

Dumating na yung papa ni Albert tapos ayun nakiki "Daddy" ako ako kay Tito haha at nakakatuwa lang talaga. :)) Pero hindi talaga yun yung pinaka gusto kong ikwento, kasi ganto yun...hindi pa kami agad umuwi nung pag sundo samin ni "Daddy", bali sinundo pa namin yung 2 napakagandang pinsan ni Albert na galing sa prom at hinatid sa bahay nila :). At nakakatuwa lang talaga kasi masiyado na nung late at feel namin ni Kim na ang laki-laki na namin at hindi kami kinakabahang umuwi. Habang eto namang si Kaloy, damang dama ko na yung kaba sa puso niya na sobrang pagagalitan na siya ng Nanay niya. Tapos si Herson naman kakutyaba pa yung ate niya na magkasama silang dalawa kaya yung ate niya naman na mabait hinintay siya sa ministop. Tapos ayun nakarating na kami ng Vicas sa wakas! malapit na kami sa mga bahay namin :). Bumaba na si Herson sa Vicas at nagpaalam na samin tapos ako naman hinatid ni "Daddy" sa bahay, kaya natuwa naman ako at safe akong nakauwi yun nga lang 1:00AM na pero ayos lang solve naman ang araw ko. Sobrang saya! :)



THE END

No comments:

Post a Comment

 
Share |