Thursday, February 17, 2011

02/17/11 THURSDAY 11:14PM

Kanina, mag isa lang akong pumasok sa school. Absent kasi yung sumusundo sakin tuwing umaga, may sakit siya kaya ayun (sana magaling na siya sa mga ppanahong ito). Pag dating ko sa school gawa agad ako ng mga homeworks, tapos nagpasa ng excuse letter sa office at nag record na rin ng mga walang homeworks sa English.

MATH CLASS:
Grabe nagulat ako may quiz kami sa math at sobrang hindi ko alam ang gagawin kasi nga absent ako nung tuesday tapos nawala na rin sa isip ko yung mga pinag aralan namin dati. kaya yun malamang sa malamang BAGSAK NANAMAN ako sa quiz ng math. PALAGI NA LANG. -_-

TLE CLASS:
Walang Gina cloth na nadala si Johnnel, yung seatmate ko. E sakto sobra sobra yung tela na napabili ko kay Mama kaya yun ginamitan ko ng utak at diskarte. binenta ko sa kanya yung tela ng 50pesos haha! at pumayag naman siya :)) grabe nakakatuwa nagkaron ako ng extra income. :D sana ganun na lang pala palagi ginagawa ko, papasobrahan ko yung ipabibili ko sa magulang ko para mapagkakitaan ko pa haha! =))

UWIAN:
Ok nung uwian nagdadalawang isip ako kung pupunta ako sa concert o hindi, pero nagibabaw sa isip ko na wag na lang pumunta kasi si Ajie e. Sabi sakin di daw pupunta si Kim kaya wag na lang din daw ako pumunta. Kaya yun tinamad na ko, tyka hindi rin ako nakahingi ng pera kila mama nun e. Gumala kami nila Ajie at nag food trip sa may Union tapos ayun...Pupunta sana kami sa bahay nila Cali, kaso medyo nahiya na kami. Kasi inisip namin na malamang sa malamang kasama rin naman namin yung mga yun sa gala bukas. Kaya ayun hindi na kami tumuloy. Naunang umuwi si Shiela, Patricia, at Hazel. Dapat ako rin uuwi na nun e ang kaso itong si Ajie inaya pa kong umalis slash gala at pumunta ng Rainbow, nagbabaka sakaling nandun si kim. Tapos ayun na nga nasa rainbow na kami, tae! wala naman pala dun si Kim at dun ko lang nalaman na tumuloy pala siya sa trinoma para manood ng concert! tae talaga! :(( sobrang nanghinayang tuloy ako nung mga panahong yun. Pero ayos lang, masaya rin naman ako ngayong araw. :)

Pero bukas eto na talaga! manonood na ko ng concert! di ko na palalagpasin to!!! pupunta ako ng greenbelt kasama sila Kuya Garry, Albert, Kaloy, at Johndale haha! :)

THE END
11:5 1PM

No comments:

Post a Comment

 
Share |